You know who’s doing a Bobby appreciation post. This girl!!!!!!!!!!!
So appreciate this sweet human being 😍😍😍
I remember how stranger the Sherlock tv series to me on episode 1 and how it became part of my life on episode 2.
C A V S 23
It was on my first grade I think when I first watched LeBron play with Cleveland. We just got home then Kuya Daren switch the tv on. Kakagising ko lang nun, medyo unaware pa sa surroundings and I saw how James played smoothly. Shooting the balls with grace (I’m super young back then and that’s what I recall in my childhood memory about LeBron.) Imagine, sobrang bata ko pa nun pero hanggang ngayon naalala ko pa yung memory ko nung unang beses ko siya napanood. Why not? This guy’s a legend. Aminin man o hindi ng mga whiners out there, when he retire he will be in line with the hall of fame like Shaq, Jordan and Bryant (sorry sila lang kilala ko) I’m not an avid fan of NBA, I confess. Konti lang kilala kong team and players but I am a proud fan of LBJ. C’mon, he’s just not a member of the team he’s a great player. I watched him played with Heat up to their back-to-back championship. Though humahanga din ako sa ibang players but my love for LeBron cannot be easily cease. And then I heard he went back to Cleveland. Medyo nalungkot ako nun kasi iba yung dating ng Big 3 ng Heat e. May bond na sila na ibang klase talaga. Inisip ko na lang na, yaan na nga dun naman talaga siya nanggaling. Di ko napanood yung first finals game nila against GSW (because of school </3) balita ko natalo daw. Siguro di pa siya sanay sa mga ka-team niya yun yung pampa-lubag loob ko nun. Ang halimaw daw niya sa bola, di daw nagpapasa etc etc. Nahe-hurt ako nun ng patago, hindi kasi ako vocal sa pagiging fan sa kanya kasi ang dami niyang haters pati kapatid ko ayaw sa kanya kasi buwaya nga daw huhu. Aminado naman ako dun at tanggap ko yun. Ewan ko ba dyan kay LeBron kung bakit ayaw magpasa pag may libre naman. So yung finals ngayon inabangan ko talaga. Di ko na pinanood yung Eastern and Western Conference Finals kasi alam ko namang Cavs na yan(naks sa tiwala hahaha) Gusto ko pa nung una matalo ng GSW ang OKC para mailampaso ng Cavs ang Warriors sa finals hahaha kaso nagbago isip ko. Sana OKC na lang kasi miss ko na makita maglaro si Durant hahaha. Kaso nagdilang-anghel ako, nag comeback ang Warriors pero kampante pa din naman ako. Malaki tiwala ko kay baby J.
So Game 1 ng Finals nasa Adelina ako, dun kami nanood as in tutok talaga simula 1Q to 4Q. Natalo kingines huhuhu. Tapos nung Game 2 di ko na napanood chineck ko na lang sa twitter talo ulit huhuhuhuhu. Nung game 3, pag bukas namin ng tv, 2Q na homecourt ng Cleveland. Grabe galing nila. As in kitang kita mo yung play nila as a team. Dun na talaga ko humanga kay LeBron sa pagpasa/assist niya sa mga team mates niya. Ultimo kahit kayang kaya na niyang i-shoot ipapasa pa niya na shu-shoot naman. Dun ko na napansin si Kyrie and Love. Galing pala nila. Ini-stalk ko na lahat ng team member ng Cleveland hahaha.Tapos nung Game 4 natalo ulit kainis. Number 4 yun di pa ni-bonus sakin. Napansin ko tuwing magt-tweet ako ng may “Game something” tsaka pag pinapanood ko simula sa umpisa natatalo sila. So ang ginawa ko ng nag Game 5 wala akong ni-tweet na ganun tsaka sinasakto kong patapos na ng 2Q ako manonoood hahahhaa. Sorry naman. Hanggang sa sunod sunod na hanggang Game 6. Kahit sa chat di ko binabanggit yung mga Game number ang praning ko. XD
Ewan ko kung anong sumanib sakin pero nung day ng Game 7 kampante na ko na mananalo sila. May mga times na sobrang kinakabahan ako pero nawawala din. Ibang klase pinakita ni Irving nun. Grabe siya, tapos 24 lang siya. Alam na kung sino next na susuportahan hahaha. Siyempre si baby ko ang galing din. Lalo na yung mga blocks niya, yung paghabol niya sa tuwing may fast breaks. Di talaga siya marunong sumuko agad. Assists, blocks, shoots siya na talaga. Yung kahit ang laki ng katawan niya ang bilis niya kumilos. Tsaka yung pamatay niyang talon na mataas para siyang lumilipad. Naalala ko nung may nakita akong clip na para talaga siyang lumilipad kasi ang layo ng buwelo niya pero umabot pa din sa ring. Smooth na smooth. Tawang tawa pa ko nun hahaha. Parang ibon. Tapos nung nag shoot si Green ata na hindi pumasok nag-talunan na mga players ng Cavs sa loob ng court. Naguluhan pa ko kung bakit, pag tingin ko sa time 0.00 na. Literal na huminto mundo ko hahaha realtalk. Tapos nung ni-close up kay James na nakayuko sa sahig habagng umiiyak napaiyak na din ako. Nagyayabang na kung nagyayabang pero supporter talaga ko since Miami and to think na naipanalo na rin niya hometown niya nakakatuwang isipin. Atlast, after asjadgdsl years nanalo na ulit Cleveland with LBJ leading the way. Malaki din inambag ni Kyrie. Iniisip ko nga baka di sila nanalo kung walang Kyrie. Pero yung vibes kasi ni LeBron sa court, parang nahahawa na yung mga ka-team niya sa kanya. And napansin kong mas maganda yung play niya pag chill lang siya haha. Laging error pag beastmode sa court e.
Shout out din kay Curry and Green who stayed in the court congratulating them. Lalo na kay Green na lumapit pa talaga kay James para kamayan. Medyo na-turn off lang ako kay Klay, pasok siya agad sa locker room siguro lungkot siya kasi binigay naman niya lahat niya. Kitang kita naman yun kaya wag siya mangamba hehe. Salute kay Curry na ang accurate sa 3 points and kay Green na isa pang beast sa court. I remember reading this certain tweet “The difference between a great shooter and a great player.” kinilabutan talaga ko ng bongga nun kasi totoo naman. No bias here, magaling si Curry talaga pag dating sa shooting I won’t deny that pero LeBron mehn, ibang iba. Sorry Curry, ganda ng mata mo pero madami ka pang kakaining bigas bago ka manalo sa one-on-one kay LeBron hahaha.
Kaya sa mga haters, whiners, at mga feeling analyst out there LBJ is a legend you cannot deny that fact. Kahit sabihin niyo pang halimaw na sa bola muka pang halimaw, sugapa, kung napanood niyo yung series nag-grow siya along with his team mates kaya magsaing na lang kayo at maglinis ng bahay kesa kung ano ano kino-comment niyo. Cavs won not because NBA is rigged, LeBron James’ numbers proved that, Kyrie’s numbers proved that, his team mates proved that. #OneForTheLand.
LBJ for lifeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee. #sorrynotsorry
for the love of solving crimes
Naalala ko lang tawang tawa ko shet. Mga 3am na mahigit nun nanonood pa din ako ng Full House tapos nag-cr tapos nood ulit nung mga lagpas 4 na gising pa din ako pagsilip ko sa labas bukas pa ilaw sa banyo edi tayo ako at papatayin ko pagkakta ko dun sa lock (yung nii-slide basta ganun) nakita ko hindi naka-lock sa labas edi ibig sabihin lock siya sa loob tapos medyo naririnig ko pa yung tulo ng tubig sa timba edi naisip ko may tao. Tiningnan ko kung sino yung hindi nakahiga samin as in isa isa talaga. Pucha, lahat natutulog kinabahan na ko tingin ako sa gate kung may nagbukas baka kamag-anak namin o kaya magnanakaw na naki-cr kingina kabadong kabado talaga ko naka-ilang balik ako sa pinto ng banyo namin di ko talaga pinapatay yung ilaw dun. Hahahahhaha nung bumangon si nanay tsaka ko lang nilapitang mabuti kingines naka-slight sara pala siya kaya kala ko sa loob ang lock hahahhahahahhahahahhaha tawa ko ng mahina pagkahiga ko hahahhaha. Nood pa angge, nood pa. Hahahahhahahhahahahhahahaha. Pinaka-shunga moment ko talaga yun hahhahahahhaa.
Would you mind closing the bedroom door?
- Me eating Presto creams after lunch
- Nanay: Di ka pa nabusog?
- hehehehe